BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS »

Monday, October 9, 2006

Packin' Sheet at 5 A.M.

1. Anong bago sa'yo ngyon?
:: next question...

2. Kumain ka na ba ng balot?
:: hindi pa. jologs ko talaga.

3. Sumuka ka na ba sa sobrang hilo?
:: sobrang hilo sa pagka-lasing. Huling naalala kong suka ko yung sa inidiro namin. Kulay orange.

4. Nakagulpi ka na ba ng tao?
:: hindi pa kasi alam mo yun, mahirap na kapag nakasakit ka nang tao. Biruin mo, baka mamaya, binagastusan mo na yung pangtubos sa yo sa presinto.

5. Nang mamanyak ka ba?
:: panong manyak ba? Ganito na lang, hindi ako naninilip, hindi ako nanghihipo, hindi ako nang-hihit-on sa kapwa tao ko, pero nanonood ako ng porno. Pwede na ba yan?

7. Umiinom ka ba hangang hindi ka na makatayo?
:: Hindi. Sabi nga ng tatay ko, drink to enjoy, not enjoy to drink.

8. Nka sakay ka na ba ng kalabaw?
:: Ay oo! Nung bata ako.

9. Naramdaman mo na bang mamamatay ka na?
:: pano ba ang mamatay? Kasi imposile mo namang maranasan ang pakiramdam ng mamamatay ka, kapag hindi ka pa talaga namatay. Anlabo ng tanong na to. I can't answer this!

10. Nayakap mo na ba crush mo?
:: SABI NANG HANGGANG PORNO LANG AKO EH!!!!!

11. Naglalaro ka ba ng apoy?
:: hindi ata.

12.Napa iyak ka na ba sa sakit ng katawan?
:: hindi. That's like, so gay...

13. Masakit bang masuntok?
:: Mas masakit ang matadyakan.

14.Marunong ka bang magRO?
:: ragnarok online? inde

15. Handa ka bang mamatay para sa iniibig mo?
:: uh.....eh?

16. Masarap bang kumain ng pagkain?
:: Depende. Pag malungkot, walang kalasa-lasa yung pagkain. Pag nakikipagdaldalan, pucha hindi naman ako makakain.

17...??asan?? :-??-- oo nga nasan?!

18. Namamato ka ba ng bato?
:: Hindi. Pero may kilala ako dati na namato ng tuyong tae kasi akala niya bato yun.

19. Nagtaksil ka na ba sa kapwa mo o kahit sino nman..?
:: ay hindi ha.

20. Nakatapak ka na ba ng tae?
:: yesssssssssss...

21. Nakatanggap ka na ba ng regalo sa buong buhay mo?
:: oo.

22. Nag-iimagine ka na ba ng bad?
:: see number 10.

23. Nakikita mo ba sarili mo sa salamin?
:: yes.

24. Alcoholic ka ba?
:: hindi.

26. Nakapanood ka na ba sa sinehan?
:: Of course! E ikaw, takilya, nakapanood ka na?

27. Gusto mo bang pumatay ng tao?
:: Hindi, kasi ayon kay Immanuel Kant, masama ang pumatay ng tao dahil labag ito sa katangian ng isang nabubuhay na tao. At ayoko gumawa ng masama.

29. Nakasuntok ka na ba ng kaibigan?
:: Dati, sa braso pahinahan ng suntok. Una, sumuntok siya, mahina. Tapos nung ako na nilakasan ko. Tas sabi ko “Talo ako”

30. Gusto mo na bang mamatay?
:: ayaw.

31. Nakipag away ka ba na umabot sa OPiS?
:: hindi. Taena pag ginawa ko nun, di patay ako. Malakas mang-alaska yung mga tao dito sa opis eh.

32. Nawala na ba ang id mo?
::oo. Bakit?

33. Nawawala mo ba pera mo?
:: nakalimutan kong kunin yung P500 na sukli dati sa gasolinahan.

34. May nagsabi na ba sayo na tamad ka?
:: lagi kong sinasabihan sarili ko.

35. May crush ka ba?
:: meron ata.

36. Sinabi mo na ba sa crush mo ang nararamdaman mo?
:: hindi

37. Napaaway ka na ba?
:: Panong away, suntukan? asaran? Alaskahan? Sigawan? Hindi pa ako nakikipag-suntukan. Asaran, oo, pero lagi akong talo. Ganun din sa alaskahan. Sa sigawan, oo, pero nauuwi siya sa alaskahan at sigawan...

38. Nagsinungaling ka na ba?
:: oo naman. gago.

39. Nakikinig ka ba sa teacher?
::madalas hindi. Basta sinusulat ko na lang yung mga sinasabi niya sa notebook ko kasi madalas naman dun nya pinaghuhunan yung mga tanong sa exams niya eh.

40. Namimis mo ba ung crush mo?
:: hindi naman.

0 comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...