ANO ANG PILOSOPIYA? Bago ang lahat, dapat munang mabuhay ang tao. Maglakad at lumabas ng bahay. Pakiramdaman ang galit, tuwa, lungkot, ligaya, at iba pang mga karanasan na maaaring mad-udyok sa damdamin. Magbasa ng aklat o di kaya’y mag-aral sa paaralan upang mapalago ang kaalaman. Gawin ang iba’t ibang bagay ng interes upang madagdagan ang sariling karanasan. Sa buhay, makakarating siya sa punto ng pagtataka sa kanyang sarili. May saysay nga ba ang kanyang buhay? May buhay nga ba talaga siya? Kailangang mabuhay ng tao sa mundo upang makarating sa pagdududa na magtutulak sa kanya na mamilosopiya. Sa pagdanas ng buhay, napapayaman ng tao ang kanyang pag-iral dahil nakikibahagi siya sa mundo. Sa paglago ng kanyang katauhan, natututo siya kung ano ang ikabubuting gawin para sa kanyang sarili; nakapagbubuo siya ng mga kaisipan batay sa kanyang mga karanasan, nakikipag-usap siya sa ibang tao, at nakapagpapasok siya ng kaalaman ukol sa mundo. At makikita sa kanyang hakbang ng pag-iral na mak...
Ramblings rescued from the great deep