Skip to main content

Righting


Rene O. Villanueva, God bless his soul, is far from being one of my favorite teachers in college, but he is one of the most memorable. He was, for the lack of a better word, a highly interesting character who has little respect for public opinion, especially of our college block. He hated our class because he thought we were some of the dumbest Philosophy students he has ever met, although my money's on the fact that our class was held at 7:30 in the morning, which contributed much to his dour mood.

I have personally been on the receiving end of his barbs during a graded discussion when we were asked to read a children's book in front of the class - something that I did sloppily while chewing on a bubblegum throughout the duration of the presentation, I may add. My stupid ass deserved the earful, and it has made a fun anecdote to our class, even nine years past.

Another favorite Villanueva moment of mine was when he correlated the trend of wearing baggy pants to the elephantine size of the wearer's testicles. Snarky bastard.

But nothing compares to the validation of getting a relatively high score from him for a story I wrote as part of the course requirement. My half-assed  fiction started out as a joke - the original plot was that there was no plot - but as I wrote more words to it, the story developed into something more poignant than I could ever imagine. A little bit amateurish in expression and communication of thought, yes, but the overall message is striking. Up to this day, this is my Whistler's Mother, Mona Lisa and The Scream combined, and perhaps the sole reason why I continue to write up to this day.

For all my boasting and self-fellating, I've decided to post the story here since I lost my soft copy years ago.  Does it suck? Do YOU suck? You be the judge.

Sa Dilim


Yes! Makikita ko na sila ulit! Matagal-tagal ko na rin silang hindi nakita. Sa Brick Road sa may Sta. Lucia East Grand Mall ko huling nakita ang bandang Delubyo. Napakagaling talaga nila! As in, sobra! Ang galing ng tunog nila! Saksakan ng husay ang gitarista nila, mararamdaman mo na parang may pinapatay na tao sa bawat pagtugtog ng nota. Hayop talaga and drummer nila, ang bilis humamoas ng drumkit niya, parang makina na hindi napapagod! Yung bassist naman nila, nakakagago pag tumugtog, ang bilis ng kamay at nakakaaliw kapag nagsosolo siya sa kanyang bass guitar. Yung kumakanta, haha, sobrang astig! Mukhang papatay ng tao! Isinisigaw nya ang kanyang poot at galit sa kupal nating gobyerno at mga walang kwentang institusyon! Pero di bale, sa tingin ko ay magugustuhan mo pa rin ang Delubyo. Da best!

Tara! Kanina pa kita inaabangan sa harapan ng bahay nyo! Wow, astig ng porma mo ah! Handa ka na ba? O bilisan mo at dalhin mo na ang mga ticket natin! Ss, baka naman makalimutan mo pa yan! Hnidi tayo makakapasok kapag wala yan, haha! Kuha mo na? Tara na! Oy teka, may dala ka bang extra na damit na pampapalit mamaya? May dala ka bang tubig? Pera, meron? Okay, ayos na pala. Sakay ka sa harap.


Eto, pakinggan mo yung kanta nilang "Sa Dilim." Hayop intro nyan, akala mo tahimik yhung buong kanta, pero -- BAM! PArang isang malakas na suntok ang sumalubong sa iyong tenga! Haha! Aliw talaga yung tunog! Nakakahigh! Nasubukan mo na bang magdrugs? Subukan mo, gagaan ang pakiramdam mo. Tapos pakinggan mo pa yung Delubyo, ayos ka na nun, Uy uy eto na yung paborito kong parte ng kanta -- JAN-JAN-JAN-JAN-JAN-AHHHHHHHHHHHH!!!! DAN-DAN-DAN-DAN-DAN-DAN -- PA-TAWARIN-MO-AKO-SA-DILIM!!!!!!!!!! Haha da best!


Woohoo! Uy bat ang asim ng mukha mo? Gutom ka ba? Eto, may brownies galing skul kanina. Masarap yan. DELUBYO!


Ei nandito na tayo. Pucha, ang liit naman ng lugar! Teka, parada muna natin yung kotse.


Kailangan natin iwan yung mga importanteng gamit natin dito sa loob ng kotse. Baka mapagtripan tayo ng mga gago sa loob. Lagi mo akong sundan sa loob! Marami mga drogistang gago! Sabihin mo lang kung may nanggago sa yo, uupakan ko! Inom ka na muna ng maraming tubig sa jug mo bago tayo umalis. Baka uhawin ka habang nagwawala tayo mamaya, hahaha! Ok na? Tara na. Baka tumutugtog na ang Delubyo!


Shet ang daming tao na nakasaksak sa entrance. Mga Pilipino nga naman, walang talaga disiplina. Hawakan mo lang ang braso ko. Sisingit tayo papasok sa mga tao na ito. Uy tignan mo, ang laki ng mga braso ng mga bouncers. Astig hehe. Oy! Walang tulakan sa likod! Mahiya naman kayo sa mga tao sa harap! Please lang! Leche talaga itong mga jologs. Nakakagago. Ok ka lang dyan sa likod? Trangina, ang sikip. Aray! Ano ba, pare?! Wala namang tulakan! Oy! Aray! Ano ba!? Bosing, papasok kami! May mga ticket kami. Anong mamaya? Shet! Sino na tumutugtog? Tapos na ba ang Delubyo? Tangina! Tara na nga! Ayaw ako kausapin ng kumag. Alis muna tayo dito! Bwiset! Balik tayo sa kotse.


Haaaay naku. Bwiset. Hindi tayo makapasok. Hintayin na lang nating magsialisan yung mga iba run, magsasawa rin yung mga kupal na iyon. Pero, nakita mo yung mga bouncers kanina? Hayop talaga, nakakatawa! Galit na galit sila kanina sa mga jologs na tumutulak galing likod! Haha! May nagpaputok pa ng baril para pigilin yung mga nanggugulo. Layuan sila kaagad? Kita mo? Kita mo rin ba yung isang babae dun na umiiyak sa tabi? Grabe, takot na takot yata eh. Parang ngayon lang nakakita ng ganitong klaseng gulo sa buong buhay niya. Kawawa naman siya, hahaha!


Oo nga pala, tawagan ko lang si erpat. Status report. Excuse me lang ha? Hmmm..... Hello, Dad? Nandito na po kami sa Kampo. Ang liit po ng lugar! Grabe pa nga kanina Dad, nagkagulo sa entrance ng Kampo, nagkainitan! May pulis na nagpaputok ng barili! Grabe! Ano po? Hindi, ok lang kami. Wala na po ata yung gulo. Ok... Opo, sige po. Hindi, ok lang kami. Mamaya na lang po kami uuwi. Ok, aagahan namin. Ok bye.


Shet, bat ko sinabi?! Mali! Mali! Dumulas lang sa dila! Shet! Dapat hindi ko sinabi yung gulo! Shet! Hay naku, pinagsabihan tuloy ako sa telepono. Bahala na, leche. Tara na, baka wala na gaanong mga tao sa entrance.


Bwiset, andami pa ring gma tao! Walanghiya, papasok na tayo! Sisingit na lang ako sa mga bouncers. Kapit ka ng mabuti sa braso ko. Manghawi ka ng katawan, kung kelangan talaga! Papasok na tayo! Tabi! Putang ina mo rin! Boss may -- araw, ano ba?!


Pasensya na, natagalan ako! Leche naman kasi yung mga jologs dun sa pila. Sinisingitan ako! Tangina hindi na lang ako umimik, andaminila. Wala na silang mga tickets, nakalibre pa ng beer! Oinapasok na lang sila siguro ng mga lecheng bouncers na yan! Tangina sayang lang yung P200 na ginastos natin! PAti ba naman sa concert, may politika pa rin? Shet. Di bale. Eto na Red Horse m. Alam kong hindi ka umiinom ng beer, pero tikman mo ito Masarap yan, iba ang tama haha!


Nauuhaw na ako! Ahhhh tubig! Walang tubig! Ang init talaga dito! Shet! Ang tagal naman ng Delubyo! Mag-aalas-dose na! Pagod na rin ako! Kakaiba tsong, napapagod na ako sa kauupo lang dito sa bar! Haha! Ang init-init kasi! Nadidihydrate na ako!


Grabe, tignan mo yung mga tao! Ang gulo, haha! Basa pa yung sahig dahil sa beer. Delikado yan, baka madulas yung mga naguguluhan sa harapan! O, bat tumigil yung mga tumutugtog?! O, sino naman ito!? Bwiset naman tong host na ito, paingles-ingles pa, magtagalog ka na lang, Barok!


Oi! Sumunod na lang kayo sa sinasabi niya, baba na sa speakers! Puta pare-pareho lang naman tayong naghihirap dito sa lecheng lugar na ito! Sige na, baba na kayo sa stage! Hindi naman kayo tutugtog! Tangina talaga, mga Pilipino, walang disiplina!


Ano ba problem mo? Kanina ka pa tahimik dyan at hindi ngumingiti dyan ah. May problema ba? Nanay mo? Diba nagkasakit siyang noong Agosto? Anong nangyari? Ulol. Ba't hindi mo sinabi sa akin kaagad, para alam ko na rin? Kaya ka pala tahimik. Sorry. Sorry talaga, kanina pa naman ako dada nang dada dito. Nakakahiya. Papano na yan? Pupunta kayo dun? Bukas? Sa Amerika? Kelan balik nyo? Ano? Ba't...ganon?


Hindi ka maintindihan... Ba't hindi mo sinabi sa akin kaagad? May problema ba sa ating dalaawa? Ok na tayo, diba? May ginawa ba ako? Alam ko, may pagkakupal din akong tao, pero...


Ok lang yan, basta gawin mo ang nakakabuti para sa yo.


Gusto mo pumunta sa ibang lugar ngayon? Sobrang init na talaga dito. Hindi ko na kaya ang init. Hayaan mo na ang Delubyo. Wag na lang natin silang hintayin. Saka ko na lang sila papanoorin, baka sa susunod na taon na lang. Ok lang ako. Haha, sobra ka naman, parang hindi na tayo magkikita. Tara na nga sa kotse.


Tignan mo ito, kung kailan tayo papaalis, saka naman nawala ang mga tao sa entrance. Bwiset, parang conspiracy, haha. San mo gusto kumain? Sa Domino's? Tara, puntahan natin. Palit lang ako ng damit.


Anong order mo? Libre na kita, huling gabi mo na naman dito sa Pilipinas. Nasiyahan ka ba sa concert na pinuntahan natin? Hindi? Ako rin. Haha.


Sarap. Nakakapaso ang cheese sa dila.


Tara na.


Pagpasensyahan mo lang muna ang katahimikan ko. I want to embrace the silence, ika nga. Haha, baduy ko.

Protected by Copyscape Originality Check

Comments

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...